Nangunguna ang mga empleyadong Pilipino sa pinakamasaya kumpara sa mga empleyado mula sa 7 pang bansa sa Asya.
Ayon sa 2016 Happiness Index Report ng jobstreet.com na ginawa noong Hulyo, 73 percent ng mga Pilipino ang masaya sa kanilang trabaho na sinundan ng mga empleyado sa Thailand 61 percent, Vietnam 60 percent at Hong Kong 57 percent.
Pinakamababa naman sa happiness index ang mga bansang Malaysia na nakakuha ng 47 percent at Singapore nakakuha ng 48 percent.
Pilipinas din ang may pinakamataas na average satisfaction ratings na 6.25 sa itinakdang 10-point scale habang pinakamababa naman ang Singapore sa 5.09.
Tinukoy ang mga Pilipinong empleyado na nagtatrabaho sa gobyerno ang pinakamasasaya, sinundan ng mga nasa education at oil and gas industries.
Nakakuha naman ng pinakamababang happiness scale ay ang mga nagtatrabaho sa retail, banking and finance at BPO o call center industry.
By Rianne Briones