Hindi pa dapat payagang makapasok ang mga empleyadong nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) kahit pa nasa general community quarantine (GCQ) ang pupuntahan nilang tanggapan.
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon kay Roque, mas makabubuti kung tanging ang mga empleyadong nasa GCQ area rin ang papasukin upang hindi mahirapang tumawid ang empleyado mula sa ECQ patungo ng GCQ area.
Matatandaan na pinayagan na ang pagbubukas ng mga importanteng industriya sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at binuksan na ang transportasyon bagamat sa limitadong kapasidad lamang.