Maaari ng makatanggap ng cash assistance sa pamamagitan ng pag-a-apply sa Employees Compensation Commission o ECC ang mga empleyadong dinapuan ng COVID-19.
Ayon sa ECC, maaaring ipadala ang mga aplikasyon at iba pang dokumento sa pamamagitan ng courier services.
Ang cash assistance program ay benepisyo ng ECC na kadalasang nagkakahalaga ng 10,000 hanggang P15,000 s sakaling magkasakit o mamatay ang isang empleyado.
Maaaring ipadala ng mga aplikante ang kanilang proof of approved EC claim mula sa Social Security System o government service insurance system, accomplished cash assistance form at kopya ng dalawang government issued ID.
Kabilang din sa requirements ang kahit anong medical o quarantine certificate tulad ng RT-PCR positive test result at rapid antigen test result na may with medical certificate. —sa panulat ni Drew Nacino