Pinaikli na ang oras ng trabaho ng mga empleyado ng Bureau of Immigration na naka-assign sa main office, field, extension at satellite offices ng ahensya.
Ito’y makaraang maputol ang pagbabayad sa overtime ng mga nasabing empleyado.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, siyam na oras na lamang ang work schedule o simula alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon kumpara sa dating ala syete ng umaga hanggang ala singko y medya.
Inabisuhan naman ni Morente ang mga may transaksyon sa B.I. kabilang ang accredited travel agencies at law offices, na masanay sa bagong schedule.
Tiniyak naman ng B.I. Commissioner na mananatiling maayos at mabilis ang kanilang serbisyo sa publiko sa kabila ng pinaikling oras ng trabaho.
By: Drew Nacino