Ire-require na ng mga establisyemento at employer sa pampubliko at pribadong sektor sa mga lugar na may sapat na suplay ng COVID-19 vaccine na magpabakuna ang kanilang mga eligible employer na nasa onsite work.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos lagdaan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ilang mga hakbang epektibo sa unang araw ng Disyembre.
Ani Roque, hindi naman matatanggal sa trabaho ang mga eligible employees na hindi pa bakunado ngunit kailangan nilang sumailalim sa regular na RT-PCR o Antigen test na sila ang gagastos.
Dagdag pa nito, maaaring tanggihan ng pampubliko at pribadong establisyemento ang pagpapapasok o pagbibigay serbisyo sa mga nananatiling hindi bakunado o partially vaccinated kahit sila ay eligible for vaccination.
Hinihikayat din ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng kautusan o ordinansa na magbibigay ng insentibo sa mga fully vaccinated individuals.—sa panulat ni Joana Luna at sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29)