Muling inabisuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer at business owner na tumalima sa tamang pay rules ngayong National Heroes Day na isang regular holiday.
Ayon sa DOLE, epektibo ang holiday pay rules kahit may umiiral na community quarantine alinsunod sa Labor Code.
Sa ilalim ng holiday pay rules para sa regular holiday, tatanggap ng arawang sahod ang mga empleyadong hindi papasok habang doble naman ang matatanggap ng mga papasok.
Dagdag 30% naman ng arawang sahod ang matatanggap ng mga empleyadong mag-oovertime. —sa panulat ni Drew Nacino