Naniniwala ang kampo ni Vice President Jejomar Binay na sa halip na pahirapan ang mga miyembro at pensiyonado ng Social Security System (SSS), mainam na tutukan ang mga employer na hindi nagbabayad ng SSS benefits ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay Joey Salgado, pinuno ng Media Affairs ni VP Binay, dapat na tutukan ngayon ng SSS ang mga employer na hindi sumusunod sa pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Nabatid ng kampo ni Binay na sa nakalipas 6 na taon, bumagsak ang SSS sa pag-obliga at paghahabol sa mga employer na i-remit ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Pumalpak ang SSS na makakolekta ng 13 bilyong pisong pondo mula sa mga hindi sumusunod na employer noong 2014.
Sa kabila nito, iminungkahi rin ni Salgado na makatutulong din naman sa mga employer at empleyado ang pagbawas sa corporate at personal income tax rates.
By Meann Tanbio