Posibleng mailagay sa blacklist ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga employer sa Hong Kong na iteterminate ang kontrata ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpositibo sa COVID-19.
Ito ang binigyang diin ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac kasunod ng napaulat na mayroong OFWs doon ang natanggal sa trabaho matapos magpositibo sa virus.
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ipapalagay niya sa blacklist ang mga employer.
Dagdag ng opisyal, hiwalay pa ito sa sanction na maaaring ipataw ng mismong Hong Kong Government sa mga employer.
Ipinabatid pa ni Cacdac na bawal rin sa batas ng Hong Kong ang Illegal termination kung saan maaaring maharap sa Labor case ng HK Authorities ang mga employer.