Mahigpit na pinababantayan ng gobyerno ang mga energy installation sa Mindanao dahil sa posibilidad na targetin ito ng mga terorista, kasunod ng deklarasyon ng martial law sa naturang rehiyon.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi inaalis ang posibilidad na tangkaing pasabugin ng mga local terrorist group ang tower ng mga planta na nagsusuplay ng kuryente sa buong Mindanao.
Ipinabatid naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi na humingi na siya ng tulong sa Department of National Defense o DND para mabantayan ang energy facilities sa Mindanao tulad ng power plant, transmission system, distribution facilities, oil depot at iba pa.
Agad na bumuo ang Department of Energy (DOE) ng inter-agency task force on securing energy facilities matapos pumutok ang kaguluhan sa Marawi City.
By Meann Tanbio | With Report from Aileen Taliping