Umakyat na sa 24.47-milyon ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll sa bansa para sa school year 2020-2021.
Ito’y batay sa pinakahuling datos ng Department of Education (DepEd) kung saan katumbas ng nabanggit na bilang ang 88.12% ng enrollees noong school year 2019-2020.
Umabot naman sa mahigit 22-milyon na mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang mahigit 2-milyon naman ang nag-enroll sa mga private school.
Ayon sa DepEd, inaasahan pang madadagdagan ang bilang ng enrollees.