Hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko para isumbong ang mga “epal” na opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, hindi maiiwasan na mayroong mga opisyal na gagamitin sa pansariling interes ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga residenteng naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa NCR plus.
Ani densing mayroon diyang mga epal na opisyal na gagamitin sa eleksyon o pangangampanya ang COVID-19 assistance.
Kaya aniya mabuting isumbong ang mga ito sa otoridad para mapatawan ng karampatang parusa.