Binalaan ni Atty. Romulo Macalintal ang mga miyembro ng gobyerno na ginagamit ang pera ng pamahalaan, para sa kanilang advertisement.
Ipinaliwanag ni Macalintal na bagamat walang early campaigning sa ilalim ng automated elections, maaari pa din madiskwalipika ang mga ito, kapag napatunayan na pera ng bayan ang ginamit sa political advertisements.
Binigyang diin ni Macalintal na mabubuhay ang mga ahensya ng gobyerno, kahit hindi maglabas ng commercial ang mga ito.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit