Binalaan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mga pulitikong umeepal o naglalagay ng kanilang mukha at pangalan sa mga pampublikong papeles.
Ito’y matapos mapaulat umano ang pagkakaroon ng pangalan at mukha sa mga pampublikong dokumento gaya ng permit at lisensya.
Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, maituturing itong paglabag sa “anti-epal” provision o general provision no. 28 ng adopted 2021 national budget
Ani Belgica, di man kasi ito direkta pero halatang isang uri pa rin ito ng pangangampanya para sa susunod na elkesyon.
Kaugnay nito, hinikayat ni Belgica ang publiko na isumbong sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato sa mga dokumentong mayroong epal na pulitiko.