Ginagamit na ng militar ang dalawang AP-3c Orion Aircraft na ipinahiram ng Royal Australian Air Force.
Ipinabatid ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagsimulang lumipad ang surveillance aircraft noon pang Biyernes, Hunyo 30 at mananatili sa bansa sa loob ng dalawang linggo.
Salitan aniya ang paglipad ng dalawang eroplano ng Australia sa dulong bahagi ng bansa.
Ayon kay Lorenzana, magkatuwang ang mga piloto at mga technician ng Pilipinas at Australia sa pagpapalipad ng dalawang surveillance aircrafts na may kakayahang lumipad sa gabi o kahit abutin pa ng 24 oras.
Paliwanag ng kalihim, ang mga piloto ang nagre-relay ng signal sa mga sundalo sa general headquarters o sa Zamboanga City kung ano ang nakukuhang imahe sa grounds sa Marawi City.
By: Meann Tanbio
Mga eroplano ng Royal Australian Air Force ginagamit para sa Marawi Crisis was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882