Dadaan sa mahigpit na cargo screening sa Estados Unidos ang mga eroplanong galing ng Gitnang Silangan.
Ayon sa US Transportation Security Administration, ito ay bahagi ng kanilang pagpapaigting ng seguridad sa mga paliparan dahil sa banta ng terorismo.
Kabilang sa mga tinukoy na carriers at airports ang Egypt Air na nag-ooperate sa Cairo International Airport, Royal Jordanian Rjal – Am sa Queen Alia International Airport, Saudia na nag-ooperate sa King Abdul-Aziz International Airport at King Khalid International Airport.
Maliban dito, dadaan din sa mas hinigpitang cargo screening ang mga eroplano ng Qatar Airways na mula sa Doha International Airport at Emirates ar Etihad Airways na galing ng Dubai at Abu Dhabi International Airport.
Sinasabing kinakailangan magsumite na ng advance air cargo data sa mga awtoridad sa US ang naturang mga eroplano bago lumapag sa teritoryo ng Amerika.
—-