Inatasan ng Department of Education (DEPED) ang lahat ng mga paaralan na bumuo ng COVID-19 infection containment strategy.
Ayon kay DEPED Spokesman Michael Poa, ito ay para matiyak ang seguridad ng mga mag-aaral, guro at non-teaching personnel sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto a-22.
Aniya, nakapaloob sa nasabing infection control plan ang mga dapat gawin ng mga paaralan sakaling magpositibo sa COVID-19 o magpakita ng sintomas ng sakit ang mga naturang indibidwal.
Samantala, nananawagan si Poa sa mga magulang na i-monitor ang kanilang mga anak sakaling makitaan ng sintomas ng COVID-19.