Dahil sa mga napabalitang mga insidenteng nangyayari sa labas o sa loob mismo ng mga eskwelahan, umapela si Assistant Majority Leader Salvador Belaro, Jr. na suriing mabuti ng PNP, DILG, at ng mga eskwelahan ang security procedures na ipatutupad sa mga paraalan.
Maraming eskwelahan na may libu-libong estudyante at dose-dosenang guro ay binabantayan lamang umano ng isa o dalawang security guard, ayon kay Belaro, kinatawan ng 1-Ang Edukasyon Party-list.
“Schools should be able to get the nearest local police station or police on patrol to respond quickly. Schools must work with PTAs to address emotional and social distress which trigger violence on campus or near-campus,” sabi ni Belaro sa isang press statement.
Ang mga eskwelahang kaunti ang security guard ay dapat makipag-coordinate na sa PNP at barangay para sa dagdag na security detail na tatanod sa mga gate ng eskwelahan at mga kalye papasok at palabas ng mga campus.
“Schools happen to be soft or easy targets of robbers. Some schools have been robbed of their computers and CCTV equipment because the buildings where they are kept or installed are easy to rob,” dagdag pa ni Belaro.
Ang mga contractor na nagtatayo ng mga silid-aralan ay dapat magtalaga ng sariling security guard sa kanilang project sites at siguruhing ang kanilang mga tauhan ay may limitadong access sa loob ng eskwelahan para na rin sa seguridad ng lahat.
By: Mariboy Ysibido