Magmimistulang “prison camp” umano ang mga eskwelahan sa oras na matuloy ang balak ng Philippine National Police na magsagawa ng inspeksyon sa lockers at bags ng mga estudyante.
Ayon kay ACT President Benjamin Valbuena, tila sobra na ito para sa mga estudyante dahil sumasailalim na ngayon umano sa drug testing ang mga high school students.
Giit pa ni Valbuena napakarami ng trabahong ginagawa ng mga guro kung ito pa ay dagdagan ng intindihin gaya ng pag-iinspeksyon.
Ang mabuti umanong gawin ng mga pulis ay bigyan ng prayoridad na palakasin ang kanilang kampaniya na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa masamang epekto ng iligal na droga.