Mga establisyimento na lumabag sa itinakdang proper ventilation.
Ito, ayon kay Dr. Beverlyu Lorraine Ho, Director 4 ng Department of Health, ang nakikita nilang compounding factor sa patuloy na pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sinabi ni Ho na malaking factor ng virus transmission ang ventilation kaya’t kailangang sumunod ng mga establishment sa itinakdang proper ventilation o pagkakaroon ng tamang sirkulasyon ng hangin para makaiwas sa posibleng COVID-19 transmission.
Ika-3 ng Marso nang magpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga bagong panuntunan para sa mga pribadong establishment at pampublikong transportasyon.