Nanganganib ipasara ng gobyerno ang iba pang establisyimento sa El Nido, Palawan kung hindi tatalima sa mga regulasyon ng gobyerno tulad ng mga environmental law hanggang katapusan ng Mayo.
Ito ang ibinabala ng Department of Interior and Local Government sa mga business owner na nagmamatigas na sumunod sa kautusan.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, binigyan na nila ng sapat na panahon ang mga business establishments upang tumalima sa mga requirement pero hindi naman nila ginawa.
Maguguntiang sinimulan ng pamahalaan ang kalahating taong rehabilitasyon ng El Nido kung saan 22 establisyimeto ang ipinasara dahil sa paglabag sa mga kautusan.
Samantala, limitado pa rin ang bilang ng mga turistang bumibisita sa El Nido upang maiwasan ang overcrowding at polusyon.