Ligtas nang buksan ang ilang mga establisyimento sa Metro Manila.
Ito ayon kay OCTA Research Group Member Dr. Guido David ngayong nasa low risk na sa COVID-19 ang rehiyon.
Suportado din ni David ang pag-ooperate ng mga outdoor establishments sa full capacity upang makatulong sa mga negosyo na makarekober sa krisis na dulot ng pandemya.
Gayunman, sinabi ni David na dapat pa rin itong gawin sa ligtas na pamamaraan. —sa panulat ni Hya Ludivico