Dalawampu’t lima lamang mula sa 1,080 ininspeksyong establisyimento sa isla ng Boracay, Aklan ang tumatalima sa mga government permit at requirement.
Ito ang natuklasan ng Department of Interior and Local Government sa gitna ng anim na buwang rehabilitasyon ng isla.
Ayon kay Interior Assistant Secretary Epimaco Densing, karamihan o 427 establisyimentong ininspeksyon ay nag-o-operate nang walang business permits;
Dalawadaan at pito ang kulang ng environmental compliance certificate habang 199 ang walang building permits.
Isandaan at labindalawa naman ang walang sewerage treatment plants habang 33 pipelines na iligal na nagpapakawala ng tubig sa ilalim ng white beach ang nadiskubre ng gobyerno.
Tatlo sa mga tubo ay positibong nagpapakawala ng of wastewater patungo sa dagat.