Boluntaryo na rin ang pagsusuot ng face mask sa mga estudyante sa mga open spaces.
Batay sa ibinabang panuntunan ng kagawaran sa mga paaralan ay tatalima na rin sila sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na voluntary na rin ang pagsusuot ng face mask sa mga hindi mataong lugar.
Ito ang sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na may maayos na bentilasyon at hindi masyado matao ang open spaces.
Habang nilinaw naman ni Poa na obligado pa rin naman ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga silid-aralan.
Samantala, tiniyak naman ng DepEd na may tulong na nakalaan para sa mga gurong magpopositibo sa COVID-19.