Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng estudyante, guro at mga magulang na manood ng Southeast Asian (SEA) Games bilang suporta sa ating mga atleta.
Upang magawa nila ito, sinabi ni DepEd Spokesperson Annalyn Sevilla na magsususpinde sila ng pasok sa mga paaralan sa susunod na linggo.
Gayunman, ipinauubaya na anya nila sa mga pribadong paaralan ang suspensyon ng klase.
Ilan sa mga paaralang inirekomendang magsuspinde ng klase ang Systems Plus College Foundation at Angeles University sa Clark cluster.
Sa Subic, inirerekomenda ang pagkansela ng klase sa Lyceum of Subic Bay Palm Tree, Wow Recreation and Activity Center, Mondriam Aura College at College of Subic Bay Montesorri-Subic Bay.
Sa Metro Manila, St. Paul College Pasig, Poveda, Dela Salle University, Dela Salle College of St. Benilde, St. Scholastica’s College Manila, Arellano University School of Law at Wesleyan College Manila.
Samantala, inirekomenda rin ang kanselasyon ng klase sa Tagaytay Science National High School, City of College of Tagaytay, PUP, Sta. Rosa Science and Technology High school, Blessed Christian School De Santa Rosa, UP Los Baños, Christian School International at San Antonio Elementary School na pawang nasa Southern Luzon cluster.