Inihirit ng isang miyembro ng OCTA research team na huwag nang pagsuotin ng face mask ang mga mag-aaral habang nasa loob ng paaralan.
Iginiit ito ni OCTA research fellow, Father Nicanor Austriaco, sa gitna ng boluntaryo nang pagsusuot ng face mask sa outdoor at open spaces settings.
Dalawang taon na anyang nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagsusuot ng face mask na naka-aapekto sa kanilang pananalita.
Ginawa namang patunay ni Austriaco ang pagsusuri ng US-Based Health Policy Expert na si Dr. Leana Wen na nagsabing ‘Disadvantageous’ ang paggamit ng face mask sa mga bata.
Samantala, agad kinontra ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire ang pagsusuri ni Wen at iginiit na imbes na panganib ay proteksyon ang idinudulot ng face mask sa mga bata.
Sa kabila nito, hinimok ni Vergeire ang mga magulang, guro at mga estudyante na magsuot pa rin ng face mask sa loob ng mga silid-aralan at maaari lamang itong alisin kapag nasa open spaces.