Lalo lamang lalaban kung mas lalo silang paghihigpitan.
Ito’y ayon kay Senador Francis Pangilinan, kasabay ng panawagan nito sa pamunuan ng militar at Defense Department na respetuhin ang karapatan ng mga mag-aaral na manindigan at ipahayag ang kanilang mga hinaing at saloobin.
Ito aniya ay dahil tungkulin ng mga mag-aaral noon pa man na kumilos at maging kritikal sa mga nangyayari sa pamahalaan.
Hindi rin sinasang-ayunan ng senador ang pahayag na pugad umano ng mga rebeldeng komunista ang University of the Philippines (UP).
Magugunitang kinansela ang kasunduan sa pagitan ng Defense Department at UP na nagbabawal sa anumang unit ng militar at pulisya sa pumasok sa lahat ng campus ng unibersidad para magsagawa ng operasyon ng walang permiso mula sa board of regents.