Libre na sa pagbabayad ng terminal fee ang mga estudyante sa lahat ng paliparan sa bansa.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), simula ngayong araw agosto a–uno ay exempted ang mga estudyante sa pagbabayad ng terminal fee sa lahat ng paliparan na ino – operate ng CAAP.
Sakop ng kautusan ang mga estudyante na naka – enroll sa preschool hanggang college gayundin ang mga mag aaral sa mga trade, arts, technical at vocational schools at training centers.
Kailangan lamang ay mag apply ang mga estudyanye ng student exemption certificate sa mga malasakit help desks sa mga paliparan para makalibre sa terminal fee.
Ang mga estudyante na nakatakdang magbyahe ngayong araw ay maaring kumuha ng refund sa mga malasakit help desk.