Aabot sa 141 na mga estudyante mula sa Indigenous People’s (IP) Community sa Zamboanga City ang nakatanggap ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Maria Christine Lim, City Health Office Education at Promotion Officer, tiniyak nga lokal na pamahalaan na mapabilang ang IP Communities sa vaccination rollout.
Pawang edad 5 hanggang 11 ang naturang mga estudyante na kabing sa Samal at Badjao Tribes.
Habang 55 IP students din, edad 12 hanggang 17 ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna nitong Martes.
Sa ngayon ay umabot na sa 1.3 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang na-administer ng CHO sa Zamboanga City.