Agarang ini-rescue ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa 169 estudyante na na-stranded dahil sa malakas na hangin at tuloy-tuloy na pag-ulan sa Mindanao State University (MSU) sa Maguindanao.
Ipinadala ang kasundaluhan mula 61B mechanized battalion na pinamumunuan ni 2Lt. Deus Marco F. Alcid upang isagawa ang rescue operations na pinangunahan ni MSU-Maguindanao Division of Students Affairs Administrative aide Julmaherria Salipada.
Matagumpay at ligtas namang naihatid ang mga estudyante sa kanilang mga tahanan.
Samantala, naglunsad din ng donation drive ang MSU-Maguindanao para sa mga gustong tumulong sa mga apektadong estudyante ng unibersidad ng bagyong Paeng.
Maaaring magpadala sa Gcash ni Arceli Naraga— 0917-301-2306 at ibang bank accounts na makikita sa kanilang FB page MSU-Maguindanao. —mula sa panulat ni Hannah Oledan