Maraming sindikato ang gumagamit ng mga estudyante sa kanilang operasyon sa ilegal na droga.
Ito ang isiniwalat ngayon ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa harap ng malaking problemang kinakaharap ng bansa ukol sa iligal na droga.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, makikipagtulungan ang PNP sa Department of Education o DepEd para mapigilan ang naturang problema.
Kabilang sa mga hakbang na gagawin ay ang surprise inpection ng mga guro sa bag at lockers ng mga estudyante.
“Yung prevention ang napakahalaga, huwah nang madagdagan pa ang mga involved sa droga para huwag nang madagdagan pa ang problema ng Kapulisan, and ito ngayon ay subject to their rules and regulations na walang mava-violate, ito ay mga estudyante, mga minors na kung mahulihan man ay hindi magkakaroon ng criminal liability, hindi malalaman ng publiko but tutulungan na magkaroon ng magandang counselling at hindi na magiging problema ng lipunan.” Pahayag ni Eleazar
—-