Mga estudyante ng Occidental Mindoro State College na inabutan ng lockdown sa San Jose, Occidental Mindoro nakatanggap ng food assistance mula sa nabanggit na kolehiyo
Tumanggap ng food assistance mula sa Occidental Mindoro State College o OMSC ang Dalawang daan, Dalawampu’t Anim na mga estudyante ng nabanggit na kolehiyo na inabutan ng lockdown sa San Jose, Occidental Mindoro.
Sa ulat ng OMSC Office of Student Affairs and Services, umabot sa dalawang daan, dalawampu’t anim ang bilang ng mga stranded students na hindi nakauwi sa kanikanilang mga bayan matapos e deklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Luzon Wide Enhance Community Quarantine. Ang mga nabanggit na estudyante ay inabutan ng lockdown sa mga boarding houses. Ang mga ito ay nagmula sa iba’t ibang bayan ng Occidental Mindoro, lalawigan ng Oriental Mindoro, Antique, at Northern Palawan.
Ayon kay OMSC President Dr. Marlyn G. Nielo, agad na kumilos ang kolehiyo at naghanda ng mga food packs para ipamahagi sa mga estudyanteng na stranded habang umiiral ang enhanced community quarantine. May kabuuang dalawang daan, dalawampu’t anim na food packs na nagkakahalaga ng tatlong libo, limang daang piso kada isang estudyante ang naipamahagi ng OMSC. Ang food packs ay naglalamn ng 30 assorted canned goods, 15 assorted cup noodles, 15 itlog, 10 kilong bigas, sabong panlaba, bath soap at toothpaste.
Namahagi din ng mga face masks sa mga front liners sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro ang OMSC Faculty Federation sa pakikipagtulungan ng SK Federation of Occidental Mindoro na siyang katuwang ng OMSC sa pagtahi at pamamahagi ng 1,863 face masks sa mga front liners.
Idinagdag pa ni Dr. Nielo na agad tumugon ang kolehiyo sa banta ng COVID-19 sa Occidental Mindoro State College Academic Community sa pamamagitan ng pagbuo ng OMSC Crisis Management Task Force na nakikipagtulungan sa iba’t ibang LGUs sa Occidental Mindoro para siguraduhin ang kaligtasan ng humigit kumulang sa 12,000 libong mga estudyante nito at 700 mga faculty and staff sa 6 na campuses sa buong lalawigan ng Occidental Mindoro.