Mamamahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng mga family food packs at hygiene kits sa kanilang mga residente sa susunod na linggo.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, 257,000 mag-aaral sa public school mula Kinder hanggang Grade 12 ang unang mababahaginan ng ayuda.
Alinsunod aniya ito sa ginawa nilang pakikipag-ugnayan sa Division of City Schools, kasama ang may 107 school principals sa lungsod.
Inaasahang maisusumite na sa Martes, Mayo 26 ang listahan ng mga estudyante gayundin ang address ng mga ito mula sa 72 public elementary at 35 high schools sa lungsod.