Isinusulong ng Department of Education o DepEd ang pagsasailalim sa annual mandatory drug test sa lahat ng mga estudyante sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali na mahalaga na mayroong parent’s consent ang mag-aaral bago isalang sa drug test.
Aniya, dapat ding hindi mako-kompromiso ang privacy ng mga estudyante.
Bukod pa rito, iminumungkahi rin ng DepEd ang taunang mandatory drug test sa mga empleyado ng ahensya.
Ayon kay Umali, sa ganitong paraan ay masisigurong malinis sa ipinagbabawal na gamot ang mga kawani ng DepEd.
Iginiit pa ng DepEd official na kapag nagpositibo sa drug test ang isang empleyado ay dapat itong mag-leave of absence habang sumasailalim sa medikasyon.
By Jelbert Perdez