Tinatayang nasa 90 estudyante ang isinugod sa ospital matapos magpanic at magka-stampede dahil sa pagkalanghap umano ng ammonia sa isang planta sa Olongapo City, Zambales, Kahapon.
Agad itinakbo sa James Gordon Memorial Hospital ang mga mag-aaral ng Olongapo City National High School na mga pawang grade 7 at 10.
Batay sa imbestigasyon ng Olongapo City Police Office, nagkaroon ng Ammonia Leak sa isang kalapit na ice plant matapos pumalya ang valve sa planta.
Magbibigay naman ng financial assistance ang lokal na pamahalaan ng Olongapo City para sa mga naapektuhan habang pinagpapaliwanag na ang may-ari ng nasabing ice plant.
RPE