Ipinag-utos ngayon ng Department of Education o DepEd na pagsuutin ng mahahabang damit ang mga estudyante sa Region 12 bilang panlaban sa dengue.
Ayon sa DepEd, imbis na pagsuotin ng uniporme ang mga mag-aaral sa SOCCSARGEN, mas makabubuti umanong magsuot na lamang ng long-sleeved shirts, sweat shirts, mahahabang medyas at jogging pants ang mga ito upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Samantala, tuloy-tuloy naman daw ang cleanup at fogging operations sa mga eskwelahan sa lalawigan na nakapagtala na ng mahigit 1,000 kaso ng sakit na dengue mula Enero ng taong kasalukuyan.
Ikalima ang SOCCSARGEN sa mga rehiyong may pinakamataas na dengue cases sa Pilipinas.
Kabilang ito sa mga dahilan ng pagdedeklara ng Department of Health ng dengue epidemic sa buong bansa.