Balik eskuwela na bukas ang mga estudyante na naapektuhan ng lindol sa Surigao City.
Gayunman ipinabatid ni Anette Villasis PIO Chief ng Surigao City Government na sa halip na dumalo sa regular classes ang mga estudyante at guro ay sasailalim sa dagdag na psychosocial debriefing sa mga paaralang magbubukas sa susunod na linggo.
Sinuspendi pansamantala ang mga klase sa lungsod habang patuloy ang assessment ng structural engineers sa katatagan ng mga school buildings at ilan pang establishments matapos ang lindol.
Ang Department of Health ang nagsasagawa ng psychosocial debriefing sa mga residenteng na trauma sa ilang lugar sa Surigao Del Norte na niyanig ng naturang lindol.
By: Judith Larino