Maari nang hindi magsuot ng uniporme ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan simula bukas sa gitna ng nararanasang krisis sa tubig.
Ayon kay Department of Education o DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, pagbibigay ito ng konsiderasyon sa mga estudyante at gurong naninirahan sa mga lugar na apektado ng kawalaan ng tubig.
Aniya, ang mahalaga ay makapasok pa rin ang ito sa paaralan.
Ipinauubaya naman ng DepEd sa pamunuan ng mga pribadong paaralan pagpapatupad ng kahalintulad na polisiya.
Bago ito ay marami ng mga estudyante ang nagsisimula nang lumiban sa klase dahil wala nang maisusuot na malinis na uniporme at hindi na rin makaligo dahil sa water crisis.
—-