Ipinag-utos ni Department of Education o DepEd Secretary Leoneor Briones sa lahat ng mga paaralan sa bansa na tanggapin ang mga estudyanteng manggagaling sa Marawi City.
Sa pagbisita ng kalihim sa President Corazon Aquino Higschool sa Tondo, Manila, sinabi nito na hindi dapat maging istrikto ang mga paaralan sa mga requirements ng mga estudyante lalo na kung nagmula ang mga ito sa lungsod ng Marawi.
Aniya, kanilang inaasahan na umaabot sa dalawampung libong (20,000) mag-aaral ang apektado ng kaguluhan sa Mindanao.
Dagdag ni Briones, tuloy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DePed sa Philippine National Police o PNP para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante ngayong nagsimula na ang klase.
By Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco