Mas inaasahan ngayon ng pamahalaan na mas maraming magulang ang magnanais na ituloy ang pag-aaral ng kanilang mga anak sa gitna ng patuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kapag hindi nagpa-enroll ang isang estudyante at nagkaroon na ng population protection ang bansa ay may posibilidad na hindi rin sila makasama sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Sinabi pa ni Roque na hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon na ng sapat na populasyon na mabakunahan para makita kung maaari nang maibalik ang in-person classes.
Muli namang hinimok ni Roque ang mga nais mag-aral na magpa-enroll na dahil hindi naman aniya ‘forever’ ang blended learning lalo na’t may katapusan din naman ang pandemya.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico