Nanawagan si National Youth Commission (NYC) Commissioner Ronald Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalan ng scholarship ang mga estudyanteng makikiisa sa mga rally kontra gobyerno.
Ayon kay Cardema, nilalabanan ng naturang mga estudyante ang mga pulis, sundalo at mismong gobyerno gayong paaral sila ng gobyerno.
Aniya, ang komunistang grupo ay patuloy ang ginagawang recruitment mula sa mga grupo ng mga esyudyanteng kontra sa gobyerno.
Samantala, pumalag naman dito ang National Union of Students of the Philippines (NUSP).
Iginiit ni NUSP Secretary General Raoul Manuel, ang pakikiisa sa rally ng mga estudyante ay bahagi lamang ng kanilang karapatan sa pamamahayag.
—-