Nagbalik-eskwela na ang mga estudyanteng naapektuhan ng bagyong Florita sa Northern Luzon.
Nabatid na nagpatupad ng face-to-face classes at online class ang ilang paaralan sa Navotas at Malabon City habang patuloy pang nililinis ang ibang silid aralan na inabot ng pagbaha.
Binaha din ang ilang eskwelahan sa Quezon City dahil sa walang tigil na pag-ulan bunsod ng bagyong Florita at hanging habagat.
Samantala, hindi parin nakakabalik ng klase ang mga mag-aaral sa Hagonoy Bulacan dahil nababalot parin ng baha ang ilang eskwelahan dulot naman ng high tide.
Nabatid na apektado din ng pagbaha ang mga dinaraanan ng mga mag-aaral at guro kaya hindi pa muna maaaring ibalik sa normal ang klase sa nabanggit na lugar.
Maliban sa mga libro at modules na nabasa, hindi naman masyadong naapektuhan ng bagyong Florita ang mga paaralan sa Abulug, Cagayan kaya’t ibinalik na sa normal ang klase nito kung saan, agad na sumalang sa iba’t-ibang aktibidad ang mga estudyante.