Nabunyag na may mga estudyante ng University of the Philippines ang nagtutungo sa kampo ng NPA sa kabundukan.
Kinumpirma ito ni Ka Ruben, isa sa 20 NPA mula sa southern tagalog na sumuko sa pulisya.
Ayon kay Ka Ruben, nakikipamuhay ang mga estudyante sa kanila ng isa hanggang dalawang araw at inaalam ang uri ng pamumuhay sa kabundukan.
Gayunman, may mga estudyante anya ng napipilitang manatili na sa bundok dahil tinatakot ng kanilang lider sa CPP-NPA.
“Sa katulad ko po na estudyante, ay dinadaan nila sa dahas para matakot po yung isang tao na makasapi po sa kanila. Yun po ang ginagawa nila kundi takutin at yun ang hindi ibinabalik ng ibang tao. May baril po yung kausap niyo, syempre matatakot, di ka makaka-ayaw kaya oo nalang ang sagot mo.”
Samantala, inaalam na ng PNP kung sino ang nasa likod ng pag re recruit ng mga estudyante para sa immersion sa NPA camp.
Ayon kay Chief Supt Edward Carranza, hepe ng PNP Calabarzon, may mga tauhan na rin silang nakakalat sa mga paaralan para sa imbestigasyon.
“Yan po ang tuloy na pina project natin to identify this people. Meron po tayong project na itong mga eskwelehan at meron pong mga grupo na organizations ng mga kaliwa, upang mahikayat ang mga estudyante na sumama so ano po ba to? Sasabihin nila ang kanilang mga hinanaing at meron naman ibang estudyante na nakukumbinsi so for now po, yan po muna ang sakop n gating intelligence report.”