Mahigit 3-milyong estudyante na ang nakapagparehistro para sa school year 2021-2022.
Batay sa early registration monitoring report, nasa kabuuang 3,227,244 learners mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nakiisa sa pagpapatuloy ng registration ng Department of Education (DepEd) para sa bagong school year.
Nagmula sa Region 4A (CALABARZON), ayon sa DepEd, ang nakapagtala ng pinakamataas na enrollees o nasa 328,620; 313,899 ay mula sa Region 7 (Central Visayas) at 239,427 mula sa Region 6 (Western Visayas).
Tanging ang mga Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11 lamang ang nakalista sa nasabing early registration at sa bilang ng mga ito ibabase ng DepEd ang magiging paghahanda sa darating na pasukan.
Kaugnay nito, inatasan ng DepEd ang kanilang field offices para gamitin ang online platforms at drop boxes sa isinasagawang early registration para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante, mga magulang at mga guro.