Tiniyak ng Commission on Higher Education na hindi lilipat sa mga State Universities and Colleges ang mga estudyanteng nasa pribadong mga paaralan para lamang maka-avail sa libreng edukasyon.
Sinabi sa DWIZ ni Commssioner Prospero de Vera na magiging mahigpit ang gagawing pagsala sa mga papasok sa SUC’S at mayroong standing order na panatilihin ang kanilang admission policies.
Hindi aniya bubuksan ang mga SUC’S sa mga gustong lumipat mula sa ibang paaralan at wala ring ipapatupad na open enrollment.
Isasama aniya sa gagawing implementiong rules and regulations na imantina ang bilang ng mga enrollees at kung magkakaroon ng dagdag ay dapat tiyaking minimal lamang.