Kinumpirma ng University of the East o UE na sinibak na nila ang mga lalaking estudyante na nakita sa isang viral video habang naglilinis ng sahig gamit ang watawat ng Pilipinas.
Sa isang kalatas, sinabi ng pamunuan ng UE na sa isang unanimous decision ay nagpasya ang mga miyembro ng Board of Trustees na i-kickout ang mga hindi pinangalanang estudyante.
Ang ginawa umano ng mga ito ay hindi lamang nakasira sa buong komunidad ng UE kundi maging sa mga ideya at tradisyon ng bansa.
Humingi rin ng paumanhin ang UE kasabay ng pangakong paiigtingin nito ang mga aktibidad na nagsusulong ng paggalang sa bandila ng bansa at gayundin sa iba pang national symbols.
Batay sa Heraldic Code of the Philippines mapapatawan ng multang mula P5,000 hanggang P20,000 at pagkakakulong ng hanggang isang taon ang mahuhuling nambabastos sa Philippine flag.
By Jelbert Perdez