Libre na ang sakay ng mga estudyante sa MRT 3, LRT 2 at PNR o Philippine National Railway sa ilang piling oras at araw simula July 1.
Sa abiso ng DOTr o Department of Yransportation, maaaring ma-avail ng mga estudyante ang libreng sakay sa MRT 3 mula ala 5:00 ng madaling araw hanggang ala 6:30 ng umaga at alas 3:00 hanggang alas 4:30 ng hapon.
Sa LRT 2 libre ang sakay sa mga estudyante mula alas 4:30 ng madaling araw hanggang ala 6:00 ng umaga at alas 3:00 hanggang alas 4:30 ng hapon.
Habang sa PNR naman ay mula ala 5:00 ng madaling araw hanggang ala 6:00 ng umaga at alas tres hanggang alas kuwatro ng hapon.
Maaaring i-avail ang mga libreng sakay sa mga estudyante mula Lunes hanggang Biyernes at maliban tuwing holiday.
Bukod dito, gagawin na ring libre ang terminal fee ng mga estudyante sa mga paliparang nasa ilalim ng CAAP o Civil Aviation Authority at mga pantalan na pinangangasiwaan ng PPA o Philippine Ports Authority.
Ayon kay Transportation Secretary Tugade, kinakailangan lamang ipakita ng mga estudyante ang kanilang mga school ID hanggang sa makakuha na sila ng special ID mula sa DOTr, MRT 3 at LRTA.