Otomatikong excused sa klase ang mga estudyanteng tatamaan ng COVID-19 sa pagsisimula ng face-to-face classes.
Ito ang tugon ni Department of Education spokesman Michael Poa kaugnay sa posibleng pagbibigay ng tulong ng DepEd sa mga estudyante na magkakasakit.
Ayon kay Poa, sa halip na assistance, ang magagawa lamang nila ay i-excuse sa klase ang mga mag-aaral na mayroong sintomas.
Nanawagan naman ang DepEd official sa mga magulang na huwag nang papasukin sa paaralan ang kanilang mga anak na makikitaan ng sintomas ng COVID-19.
Maaari anyang lumipat sa modular learning o online learning ang mga batang magkakasakit depende sa kaso.
Samantala, inatasan din ng kagawaran ang mga eskwelahan na magkaroon ng sariling infection containment plan o strategies upang mapangasiwaan ang mga estudyanteng matatamaan ng COVID-19.