Papayagan nang makapasok sa pilipinas ang mga returning Filipinos na nakarecover na sa COVID-19 pero positibo pa rin sa RT-PCR Test.
Pero ayon kay acting spokesperson at cabinet secretary Karlo Alexei Nograles, kailangang nakasunod pa rin ito sa ilang kondisyon na ibinatay sa IATF Resolution No. 158.
Papayagan lamang ang mga pilipinong makapasok sa bansa kung magpapakita ng mga sumusunod na dokumento;
- Positibong resulta ng kanilang RT-PCR Test na lumabas sa loob ng 48 oras.
- Medical certificate
- Positibong resulta ng RT-PCR Test galing naman sa bansang kanilang pinagmulan na ginawa mula 10 hanggang 30 araw
Pagkatapos maipakita ang mga dokumento, ipapadala sila sa facility-based quarantine para sa obserbasyon. —sa panulat ni Abby Malanday