Nakahanda na ang mga evacuation centers sa National Capital Region (NCR) partikular na sa mga mabababang lugar na mabilis bahain bunsod ng patuloy na pag-ulan dahil sa bagyong Karding.
Nabatid na ang ilan sa mga Metro Manila LGUs, ay nagpatupad na ng paglilikas sa kanilang mga nasasakupan bago pa man naglandfall ang bagyong Karding sa Luzon.
Nagdeploy na rin ng mga Emergency personnel at naglaan na ng evacuation centers ang mga Alkalde ng lungsod bilang handa sa epektong idudulot ng Typhoon Karding.
Bukod pa dito, inihanda narin ng mga NCR Mayors ang mga food packs para sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyo.