Tinukoy ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga evacuation sites na maaaring gamitin sakaling tumama ang malakas na lindol.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ito ay kinabibilangan ng Veterans Golf Course, Villamor Airbase sa Pasay, Intramuros Golf Course sa Maynila, Wack Wack Golf Course sa Mandaluyong City, at Ultra sa Pasig City.
Itinuturing naman na main evacuation site ang Quezon City Memorial Circle.
Kaugnay nito, sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na kailangan ding mag-indentify ng iba pang evacuation sites ang mga Local Government Units sa kani-kanilang nasasakupan.
By Meann Tanbio